Line of the night: "Gusto niyo ng adventure?? Yan adventure!!" - Bibe.

Ang hindi niya alam wala pa sa kalahati yun. The party was fun. Hindi kami nauna kumain promise. Nag-umpisa lang naman kami kumain kahit wala pa yung birthday celebrant. 
Isa sa mga bonding moments namin yung basahan ng text jokes. Iba kasi para sa 'min pag binabasa. Example ng joke c/o the master joketeller, Bibe:
..o ang pangit na mananakit sa mata mo?"

After the party, roadtrip. Ang natira: Ako, Wewe, Bibe, Jrj, MV at Maix. Dapat overnight kena Mother Vag sa Cavite, eh pagdating dun tulog ata mga tao sa kanila, so sabi niya roadtrip na lang sa Tagaytay! So kami naman, Oo. Shempre, mahirap yata magcommute pauwi.
Joke lang MV! ;)On the way to Tagaytay, biglang may nag *POP* hindi yan exactly yung tunog (sosyal naman) basta parang may pumutok. We checked, wala naman.
Nung nandun na kami sa Tagaytay. Around 2am, I think. Di ko sure kung sobrang lamig ah. AS IN. We were supposed to be looking for a place to stay nang biglang naghingalo bigla yung kotse. Flat yung isang gulong sa likod. GOOD thing,. may spare tire at kasama namin si Hunky Daddy JRJ. Siya nagpalit ng gulong. First time nya! Galing galing naman.. :))
Ayun, due to unforeseen circumstances, we decided to go back to Las Piñas instead. So in short. Nagpunta lang kaming Tagaytay para magpalit ng gulong! Haha. San ka pa.
Sa Shell. Ako at si Bibe naiwan sa kotse.
Ako: "Low batt na 'ko.." *referring to my celphone*
Bibe: "Ako nga din eh nauutot na 'ko"BLURRYY!
Sobrang daming hirit sa roadtrip namin na 'yon. Sa sobrang dami wala akong maalala. Haha. Sana nga nagtake note man lang ako para may ma-share. Ang naaalala ko lang sobrang ingay namin! As in. Bawal kasi matulog. Ang matulog, iiwan sa daan. Si maix nakatulog pero di namin siya iniwan sa daan dahil wala kaming matutulugan.
Joke lang maix. Thanks to Momsie for welcoming us kahit dumating kami 4am na ng umaga! Gosh.One thing I like about staying up late at night with friends or yung mga natira na lang eh yung hindi pa kelangan umuwi. Hindi mo akalain yung barkada namin may mapag-uusapan pa palang seryoso. Haha. Either wee hours in the morning pagkagising. Or sobrang late na sa gabi. Wala lang narealize ko lang!

Ayun may naalala kong hirit bigla!! Haha.
"Ano ibigsabihin ng P.M.?"
may sumagot: Prime Meridian.
Ako: Pagod Me.
Hahaha. Weh?
"Eh yung A.M.?"
may sumagot: Ante Meridian.
Ako: Antok Me.
Hahahaha....*tugsh.

